
A data analyst needing efficient tools for data-driven decisions
#2 Gen AI images in this blog post
How to Leverage AI to Advance Career or Business Goals
Artificial Intelligence Para sa Hanapbuhay
- Paglikha ng Gen AI text, images, video o audio (Creative tasks)
- Para sa mas specialized na pag-analyze ng text or data (Analytical tasks)
- AI para makagawa ng mahusay na résumé o curriculum vitae (Job seeking tasks)
- Para sa mas mabisang business service or project management (Time & task management)
1 Creative tasks:
Mabilis ang pag-unlad ng technology ngayon. AI ang nasa forefront, at malakas ang impluwensiya nito sa maraming aspeto ng hanapbuhay. Ang Gen AI, o generative AI, ang madalas gamitin ng mga sumasabak sa content creation: paglikha ng text, images, videos o audio presentations. Madali na makalikha ng anumang creative task. Maraming Gen AI apps ang nasa search results pages ngayon. Karamihan ay free, pero meron mga paid packages na mas marami at magaling na functions sa paglikha. Example ng mga Gen AI apps:
- Adobe Express
- YouCut Video Editor
- Google Gemini
- Microsoft Copilot
2 Analytical tasks:
Kung ang trabaho ninyo ay analyst, mayroong Gen AI tools na specific ang focus. Naka-focus ang mga ito sa mga files, URLs ng website o videos na i-upload at gawin sources for analysis. I-apply lang yung tinatawag nilang prompt engineering para ma-obtain ang specific outcome na galing sa analysis ng mga inputs. Ang prompt engineering ay pwedeng pag-aralan. Madali lang ito. Example ng mga Gen AI apps na pwedeng gamitan ng prompt engineering at analysis.
- NotebookLM
- TextCortex.com
3 Job-seeking tasks:
Ang mahalaga sa anumang job-seeking task ngayon ay ang paggawa ng isang mahusay na résumé or curriculum vitae. Ang résumé ay mas maiksi. Isang one-page summary ng inyong professional experience at skills para sa isang trabahong pinili sa pag-apply. Ang curriculum vitae naman ay mas detalyado at comprehensive. Nandito nakalahad ang inyong buong academic and professional history. Madalas itong kailangan for academic or research positions. Maraming online website ang makakatulong sa pag-format ng inyong résumé or curriculum vitae. Ilang example ay ang mga sumusunod:
- Google Docs
- Livecareer.co.uk
Kung meron kayong LinkedIn account at nakagawa ka ng work profile doon, merong capacity ang LinkedIn na i-convert ang profile sa isang résumé in .pdf format. Sa Livecareer.co.uk naman, ito ang gagamitin kung talagang highly professional na position ang inyong tinutumbok na trabaho. Ang Google Docs at LinkedIn ay free service para sa lahat. Ang Livecareer naman ay paid service pero affordable sa anumang job position na tina-target ninyo.
4 Time and task management:
Para sa working professional or small business owners, mahalaga ang oras na gagamitin sa trabaho o pagpapatakbo ng negosyo. Kaya para mas efficient at di sayang ang oras, merong available ngayon na task management system para sa streamlining ng tasks o project ng negosyo. One example ng time and task management app ay ang Monday.com Malakas ang advertisement nila noon sa YouTube.com. Meron silang free trial period bago ka mag-decide kung anong type ng subscription ang pipiliin ninyo. User-friendly at attractive ang interface ng kanilang project or customer management system.

Two team leaders coordinating employees
to integrate AI into their daily routines
Bagong trend ngayon: Polyworking
Ang isang trending ngayon sa workforce online ay yung tinatawag nilang polyworking. Meron pong isang article sa LinkedIn na nagsasabi na ito ang maaring maging trend sa workforce sa buong mundo. Dahil sa experience ng pandemic, maraming nag-WFH. Dahil sa WFH experience at arrangement, maraming natuto sa discipline na kailangan ng polyworking. Ang polyworking ay ang pagtrabaho sa iba't-ibang klase ng trabaho. Pwedeng di connected sa isa't-isa ang trabaho pero kaya ng skillset ninyo.
Ayon sa isang article na sinulat ni William Arruda sa Forbes.com, ito ang statistics ngayon ng polyworking sa mundo:
“Almost half (46%) of workers are polyworking with a side hustle or additional job, and a further 36% plan on starting one in the future,” according to Owl Labs.
Ito ay madaling magawa ng mga Pilipinong nag-WFH. Pwedeng mag-umpisa ng isang small business na home-based, tapos dagdagan lang ng isa o dalawang part-time jobs na remote. Ang kailangan dito ay self-discipline at responsible use ng Gen AI para maging successful ang mga trabaho sa polyworking.
Kabuuan:
Nasa Gen AI ang progress at kita ng mga trabaho at negosyo ngayon. Ito ay maaring i-apply sa lahat ng:
- Creative jobs
- Analytical jobs
- Job-seeking tasks
- Time and task management projects
Ito ang mga basic tasks na kailangan gawin sa anumang mga career sa polyworking. At madali rin ang polyworking ngayon kung nag-update na kayo ngayon sa AI. Bukod sa increased income at job security na kikitain sa polyworking, mas marami pang oportunidad na matuto ng iba pang skills na mahalaga sa panahon ngayon. Basahin ng mabuti at pag-aaralan ang article ni Mr. William Arruda para malaman kung ito ang tamang direksyon ng inyong paghahanapbuhay ngayon.
No comments:
Post a Comment
Open to receive to your messages, comments, questions, or suggestions.