How To Be Productive in Your AI-Powered Remote Work or MSME

Updated , Published at 12:58 PM PHT,
by

Paano Maging Produktibo sa Inyong Polywork o Negosyo

Importante ang paghahanapbuhay na mayroong alam sa paggamit ng AI-powered apps at tools.
Importante rin ang paghahanapbuhay sa MSME sa Pilipinas o pag-polywork online ngayon.

An Organized Work Space

Mahalaga na ang workspace ay mayroong sistema para di masayang ang oras o pagod sa pag-complete ng tasks. Bukod sa pag-lagay ng mga office items at paper documents na abot-kamay, kapag na apply ang 5-s system, mas profitable ang workflow.

Importanteng maka-focus ng husto sa task na kailangan tapusin within a given time limit or deadline. Importante ito kapag ang pay sa mga part-time jobs ninyo sa polywork is per hour or per task.

Ang isang sistema ng pag-organize ng accessories or office items ay yung ginagamit ng mga Japanese managers at employees sa corporations nila. Very successful ang outcome kapag sinunod ito. Ito 'yung 5-S Method [1]:

  • Seiri (Sort out),
    • Sa Seiri, aalisin lahat ang mga accessories na di na ginagamit. Ilagay naman ang mga accessories na malimit gamitin sa lugar na abot-kamay. Kapag mas malapit, walang oras na maaaksaya.
  • Seiton (Arrange systematically),
    • Sa Seiton, dito mag-classify: magkakasama ang mga accessories at office items sa isang lugar, at ang paper files or folders na malapit rin, para effective ang retrieval
  • Seiso (Make it spic and span),
    • Sa Seiso, linis lang ito. Lilinisin lang ang mga mobile at laptop screens, at ang lahat ng areas ng workspace environment. Tanggalin rin ang clutter na nakaka-distract sa focus na kailangan gawin sa trabaho.
  • Seiketsu (Standardize),
    • Sa Seiketsu, lalagyan lamang ng sistema ang mga tasks para organized at di magulo. Sulatan with a black marker or lagyan ng labels ang mga envelopes, folders, or loose paper sheets para madali ang retrieval kung kailangan.
  • Shitsuke (Apply self-discipline).
    • Sa Shitsuke, kailangan lang i-apply ang disiplina sa inyong work routines: sa pag-sort, sa pag-arrange systematically, sa paglinis, at sa paglagay ng mga standard na sistema upang di mag-aksaya ng oras at better ang output ng mga tasks [2].

This 5-S system eliminates waste of time and energy. Makakatulong ng malaki ito sa work productivity. It also saves you the money needed for the long term. Importante rin ang sapat na working fund kung MSME ang inaasikaso. Mahalaga rin ang bawat oras na ginugugol sa anumang task sa polywork or WFH ang work arrangement sa employment [3].

Time management technique: Ang Ivy Lee Methodology

Ang Ivy Lee Time Management Technique ay isang pa ring epektibong paraan ng time management para sa mas produktibong trabaho.

Sa Ivy Lee Method, you just list down 6 important tasks na kailangan tapusin [4].

Sa buong araw, mag-focus well sa bawat task, hanggang ma-complete ang lahat ng 6 tasks.

Kung sakaling di natapos sa isa o dalawang importanteng tasks, ilipat lamang ang mga ito sa sunod na working day para kumpletuhin.

Huwag magdagdag ng ibang task hanggang di natapos ang lahat ng original six tasks.

Maging disiplinado lang sa pagkumpleto lagi ng 6 na tasks, at siguradong de-kalidad at magaling yung outcome ng work. Mas magtatagumpay kayo sa inyong MSME management o mga tasks sa polywork.

GEN AI image of male and female WFH MSME owners working to make their operations productive and time-saving

WFH MSME Owners organizing well their workspace for space-saving and efficient retrievals of docs and items
Sources of this Gen AI image

Time management matrix quadrant: Ang Eisenhower Matrix

Madalas rin gamitin ang mga time management matrix quadrants tulad ng Eisenhower matrix na adapted by Stephen Covey for modern personal and professional tasks. Divided ang distinction ng tasks into four quadrants, at mayroong levels of importance and urgency from high to low:

Time Mgt Quadrant LOW HIGH URGENCY HIGH LOW IMPORTANCE Quadrant 1: DO • Crises • Immediate Problems • Pressing Deadlines Quadrant 2: SCHEDULE • Planning & Preparation • Goal Setting & Vision • Relationship Building • Health/Self-Care Quadrant 3: DELEGATE • Interruptions (some calls/emails) • Some Meetings • Busywork/Routine Tasks Quadrant 4: DELETE • Time Wasters • Escapism/Trivial Tasks • Excessive Social Media FOCUS ZONE HIGH-FOCUS ZONE Based on the Eisenhower/Stephen Covey Matrix
Recap of Main points for Productivity
  1. I-organize ang workspace. Learn the 5-S Method.
  2. I-manage ang time at kumpletuhin ang lahat ng important tasks using the Ivy Lee Method or ang integrated Eisenhower/Stephen Covey time management matrix quadrant [5]
Learning On-the-Job is a Profitable Venture

Learning to create a better work environment not only benefits your MSME or AI-powered polywork career, but it contributes in building the nation's economy. It also benefits the global system where many remote jobs are available for polywork online.

If this post helped you, use the five share buttons at the end of this post for liking and sharing: Gmail, Blogger, X (Twitter), Facebook, or Pinterest. At Rosauro's Archive, every share = 😊 And "Smiles matter". Thanks for sharing yours with us. 😊

Paano Gamitin ang AI sa Ikauunlad ng WFH Job o Negosyo

Updated , Published at 8:24 AM PHT,
by

How to Leverage AI to Advance Career or Business Goals

Artificial Intelligence Para sa Safe na Hanapbuhay
  1. Paglikha ng Gen AI text, images, video, o audio (Creative tasks)
  2. Pag-analyze ng text or statistical data (Analytical tasks)
  3. Paglikha ng mahusay na Résumé o Curriculum vitae (Job seeking tasks)
  4. Pag-manage ng MSME or tasks sa part-time jobs (Time & task management)

1 Creative tasks:

Ang Generative Artifical Intelligence (GEN AI) ang madalas gamitin ng mga professional polyworkers sa content creation. Madali na makalikha ng anumang creative task. Meron mga Gen AI apps na free, pero meron rin paid packages na mas magaling at kumpleto ang functions. Example ng mga Gen AI apps for content creation or web production [1][2][3]:

  • Adobe Express
  • YouCut Video Editor
  • Google Gemini
  • Microsoft Copilot

2 Analytical tasks:

Kung ang mga tasks ninyo sa polywork analytical, mayroong Gen AI tools na specific ang focus para rito. Naka-focus ang apps na ito sa mga files, URLs ng website o videos na pwedeng i-upload at gawin sources for text generation or statistical analysis. I-apply lang ang prompt engineering skill para ma-obtain ang specific outcome na galing sa analysis ng mga sources na na-upload sa inputs. Example ng mga Gen AI apps na pwedeng gamitan ng prompt engineering at analysis [4].

  • NotebookLM
  • TextCortex.com

3 Job-seeking tasks:

Para sa mga engaged sa polywork na kailangan ng isang part-time job, mahalaga at importante sa job-seeking task ay paglikha ng mahusay na Résumé or Curriculum vitae. Ang Résumé ay mas maiksi lamang. Isang one-page summary ng inyong professional job experiences at skills para sa job na available online. Ang Curriculum vitae naman ay mas detalyado at comprehensive. Nandito nakalahad ang buong academic and professional history ninyo. Madalas i-apply ang Curriculum vitae for academic or research positions. Maraming online website ang makakatulong sa pag-format ng inyong Résumé or Curriculum vitae [5]. Ilang example ay ang mga sumusunod:

  • Google Docs
  • Livecareer.co.uk
  • LinkedIn

Kung meron kayong LinkedIn account at kumpleto ang work profile, merong kakayahan ang LinkedIn na i-convert ang profile ninyo sa isang Résumé in .pdf format. Sa Livecareer.co.uk naman, ito ang gagamitin kung highly professional na position ang inyong goal sa pag-apply ng trabaho. Ang Google Docs at LinkedIn ay free service para sa lahat. Ang Livecareer naman ay paid service, pero affordable sa anumang mataas na job position na tina-target ninyo.

4 Time and task management:

Para sa professionals na marami ng experience sa polywork o mga business owners na mayroon experience sa MSME, importante ang oras na gagamitin sa trabaho o pagpapatakbo ng negosyo. Para mas efficient at di sayang ang oras, merong mga available na task management system para mas efficient ang pag-kumpleto ng polywork tasks o operations ng negosyo. One example ng time and task management app ay Monday.com. Malakas ang advertisement ng Monday.com sa YouTube.com. Meron free trial period ang Monday.com bago ka mag-decide kung anong type ng paid subscription ang pipiliin ninyo. User-friendly at madaling magamit ang interface ng kanilang project or customer management system. Ang mobile app na Trello ay isa ring madaling gamitin na task management app.

GEN AI image of thought leaders coordinating work with their team members

GEN AI image of two business partners leveraging new digital platforms to advance their "hanapbuhay" in the AI era

Ang bagong trend ngayon: Polyworking

Nagiging mahalaga na ang polyworking ngayon; lalo na sa mga part-time jobs na available online. Meron isang article sa LinkedIn na nagsasabi na ito ang maaring maging trend na mas gamitin ng workforce sa buong mundo. Dahil sa experience ng pandemic, maraming nag-WFH. Dahil sa WFH experience at arrangement ng trabaho noong pandemic ng COVID-19, maraming natuto sa discipline na kailangan sa polyworking. Ang polyworking ay ang pagtrabaho sa iba't-ibang klase ng trabaho. Pwedeng di connected sa isa't-isa ang skills na gamit sa bawat trabaho, pero kumikita ito ng additional income streams.

Ayon sa isang article na sinulat ni William Arruda sa Forbes.com, ito ang statistics ngayon ng polyworking sa mundo [6]:

“Almost half (46%) of workers are polyworking with a side hustle or additional job, and a further 36% plan on starting one in the future,” according to Owl Labs.

Ito ay madaling magawa ng mga Pilipinong kailangan o gusto ng WFH arrangement. Pwedeng mag-umpisa ng isang MSME na home-based, tapos dagdagan lang ng isa o dalawang part-time jobs na fully remote at online. Ang kailangan dito ay self-discipline at responsible use ng Gen AI para maging successful ang mga trabaho sa polyworking.

Kabuuan:

Nasa Gen AI ang progress at kita ng mga trabaho at negosyo ngayon. Ito ay maaring i-apply sa lahat ng:

  • Creative jobs
  • Analytical jobs
  • Job-seeking tasks
  • Time and task management projects

Ito ang mga basic tasks na kailangan gawin sa anumang jobs sa polyworking. At madali rin ang polyworking ngayon kung naka-update na ng kaalaman sa AI. Bukod sa additional income streams at job security na kikitain sa polyworking, mas marami pang oportunidad na matuto ng iba pang skills na mahalaga para ma-future-proof ang hanapbuhay. I-review lang ang article ni Mr. William Arruda para malaman kung ito ang tama o kailangang direksyon ng inyong paghahanapbuhay ngayon. At dahil AI ang madalas na ginagamit sa polyworking, mayroong mga prinsipyo ang Google, na importanteng matutunan para sa responsableng paggamit ng AI ngayon [7].