Updated , Published at 8:24 AM PHT,
by
Dennis Cabrera
How to Leverage AI to Advance Career or Business Goals
Artificial Intelligence Para sa Safe na Hanapbuhay
- Paglikha ng Gen AI text, images, video, o audio (Creative tasks)
- Pag-analyze ng text or statistical data (Analytical tasks)
- Paglikha ng mahusay na Résumé o Curriculum vitae (Job seeking tasks)
- Pag-manage ng MSME or tasks sa part-time jobs (Time & task management)
1 Creative tasks:
Ang Generative Artifical Intelligence (GEN AI) ang madalas gamitin ng mga professional polyworkers sa content creation. Madali na makalikha ng anumang creative task. Meron mga Gen AI apps na free, pero meron rin paid packages na mas magaling at kumpleto ang functions. Example ng mga Gen AI apps for content creation or web production [1][2][3]:
- Adobe Express
- YouCut Video Editor
- Google Gemini
- Microsoft Copilot
2 Analytical tasks:
Kung ang mga tasks ninyo sa polywork analytical, mayroong Gen AI tools na specific ang focus para rito. Naka-focus ang apps na ito sa mga files, URLs ng website o videos na pwedeng i-upload at gawin sources for text generation or statistical analysis. I-apply lang ang prompt engineering skill para ma-obtain ang specific outcome na galing sa analysis ng mga sources na na-upload sa inputs. Example ng mga Gen AI apps na pwedeng gamitan ng prompt engineering at analysis [4].
- NotebookLM
- TextCortex.com
3 Job-seeking tasks:
Para sa mga engaged sa polywork na kailangan ng isang part-time job, mahalaga at importante sa job-seeking task ay paglikha ng mahusay na Résumé or Curriculum vitae. Ang Résumé ay mas maiksi lamang. Isang one-page summary ng inyong professional job experiences at skills para sa job na available online. Ang Curriculum vitae naman ay mas detalyado at comprehensive. Nandito nakalahad ang buong academic and professional history ninyo. Madalas i-apply ang Curriculum vitae for academic or research positions. Maraming online website ang makakatulong sa pag-format ng inyong Résumé or Curriculum vitae [5]. Ilang example ay ang mga sumusunod:
- Google Docs
- Livecareer.co.uk
Kung meron kayong LinkedIn account at kumpleto ang work profile, merong kakayahan ang LinkedIn na i-convert ang profile ninyo sa isang Résumé in .pdf format. Sa Livecareer.co.uk naman, ito ang gagamitin kung highly professional na position ang inyong goal sa pag-apply ng trabaho. Ang Google Docs at LinkedIn ay free service para sa lahat. Ang Livecareer naman ay paid service, pero affordable sa anumang mataas na job position na tina-target ninyo.
4 Time and task management:
Para sa professionals na marami ng experience sa polywork o mga business owners na mayroon experience sa MSME, importante ang oras na gagamitin sa trabaho o pagpapatakbo ng negosyo. Para mas efficient at di sayang ang oras, merong mga available na task management system para mas efficient ang pag-kumpleto ng polywork tasks o operations ng negosyo. One example ng time and task management app ay Monday.com. Malakas ang advertisement ng Monday.com sa YouTube.com. Meron free trial period ang Monday.com bago ka mag-decide kung anong type ng paid subscription ang pipiliin ninyo. User-friendly at madaling magamit ang interface ng kanilang project or customer management system. Ang mobile app na Trello ay isa ring madaling gamitin na task management app.
GEN AI image of two business partners leveraging new digital platforms to advance their "hanapbuhay" in the AI era
Ang bagong trend ngayon: Polyworking
Nagiging mahalaga na ang polyworking ngayon; lalo na sa mga part-time jobs na available online. Meron isang article sa LinkedIn na nagsasabi na ito ang maaring maging trend na mas gamitin ng workforce sa buong mundo. Dahil sa experience ng pandemic, maraming nag-WFH. Dahil sa WFH experience at arrangement ng trabaho noong pandemic ng COVID-19, maraming natuto sa discipline na kailangan sa polyworking. Ang polyworking ay ang pagtrabaho sa iba't-ibang klase ng trabaho. Pwedeng di connected sa isa't-isa ang skills na gamit sa bawat trabaho, pero kumikita ito ng additional income streams.
Ayon sa isang article na sinulat ni William Arruda sa Forbes.com, ito ang statistics ngayon ng polyworking sa mundo [6]:
“Almost half (46%) of workers are polyworking with a side hustle or additional job, and a further 36% plan on starting one in the future,” according to Owl Labs.
Ito ay madaling magawa ng mga Pilipinong kailangan o gusto ng WFH arrangement. Pwedeng mag-umpisa ng isang MSME na home-based, tapos dagdagan lang ng isa o dalawang part-time jobs na fully remote at online. Ang kailangan dito ay self-discipline at responsible use ng Gen AI para maging successful ang mga trabaho sa polyworking.
Kabuuan:
Nasa Gen AI ang progress at kita ng mga trabaho at negosyo ngayon. Ito ay maaring i-apply sa lahat ng:
- Creative jobs
- Analytical jobs
- Job-seeking tasks
- Time and task management projects
Ito ang mga basic tasks na kailangan gawin sa anumang jobs sa polyworking. At madali rin ang polyworking ngayon kung naka-update na ng kaalaman sa AI. Bukod sa additional income streams at job security na kikitain sa polyworking, mas marami pang oportunidad na matuto ng iba pang skills na mahalaga para ma-future-proof ang hanapbuhay. I-review lang ang article ni Mr. William Arruda para malaman kung ito ang tama o kailangang direksyon ng inyong paghahanapbuhay ngayon. At dahil AI ang madalas na ginagamit sa polyworking, mayroong mga prinsipyo ang Google, na importanteng matutunan para sa responsableng paggamit ng AI ngayon [7].