AI-Powered WFH Productivity: A Proactive Guide for Filipinos

Updated , Published on at 5:10 PM PHT,
by

Paano Maging Magaling, Mahusay, at Kumita sa Pag-WFH Ngayon

Introduction

Sa professional at job hunting landscape ng Pilipinas, kailangang matuto ang mga professionals at MSMEs na makalikha ng isang WFH setup para maka-upgrade sa AI. Ang importante sa WFH setup para maging efficient ang workflow ay maka-dedicate ng isang lugar sa bahay di masira ang focus. Sa blog post na ito malalaman kung paano makabuo ng kumpletong WFH setup na madaling maka-adjust sa anumang changes sa work environment.

Gen AI image of WFH father on laptop with his son in the background

Adaptable WFH Professional with setup for AI-powered productivity
[sources of the #3 Gen AI images in this page]

Guide for a proactive Work-from-home arrangement
  • Paano mag-adjust sa pagbabago ng klima [1]
  • Paano mag-adapt ng sistemang makaiwas sa pollution at global warming [2]
  • Paano mag-adapt muli sa posibilidad ng isa pang pandemic [3]
  • Paano magkatrabaho kung ang job market ay highly competitive dahil sa pagdami ng population sa Pilipinas at ng mundo [4]
  • Paano mag-adjust sa bagong sistema sa trabaho online at buhay dahil sa advancements ng AI [5]

Awareness lang sa sarili at sa kapaligiran araw-araw ang kailangan para maka-adjust

  • sa anumang pagbabago ng klima, mag-monitor sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAG-ASA),
  • kaalaman mula sa news tungkol sa mga lumalaganap na sakit sa Department of Health (DOH),
  • patuloy na pagtaas o pagbaba ng presyo ng mga bilihin at gasolina - news sa DZBB,
  • makaplano kung kailangan ng isa pang part-time na trabaho sa LinkedIn,
  • at paggawa ng sistema sa trabaho o buhay na gumagamit na ng AI para mas mabilis at madali matapos ang tasks.

Makikita ang PAG-ASA, Department of Health, at DZBB sa Viber o sa X (Twitter).

Malaking tulong ang news at information na real-time - "breaking news" na hatid agad sa inyong mobile phone. Bukod sa Viber at X.com, mabilis mag-deliver ng news ang Google Alerts.

Gen AI image of WFH female MSME owner with employee in the background

A Productivity-Focused MSME Owner looking to scale her business operations

Dahil uncertain ang job security o MSME kung yung nangyayari na layoffs sa USA ay umabot rin sa ating bansa, kailangang merong proactive strategy para handa sa ganoong scenario. Narito ang konsepto ng trabaho na dapat malaman para maka-adjust.

Onsite o WFH?: Iba't-ibang terminology na ginagamit sa workforce:

  • employed
    • onsite: kailangan pumunta ng empleyado sa office ng kanyang trabaho
    • remote: kahit saang lokasyon pwedeng magtrabaho ang empleyado
    • hybrid: flexible ito, pwedeng combination of onsite or remote
    • work-from-home: nagtatrabaho ang empleyado sa kanyang bahay gamit ang laptop at mobile phone
    • marami pang ibang mas flexible work arrangements ang pwedeng pasukan in terms of time, location, number of working days, at iba't-iba combination ng mga ito na ayon rin sa pangangailangan ng management ng kumpanya
  • self-employed
    • freelancing: mga online jobs na per project or part-time ang trabaho
    • MSME: negosyo na pwedeng WFH, merong physical store, e-commerce store online, or combination of both

Ang basic na difference ng employed sa self-employed ay pagkakaroon ng corporate employer para sa employed, at ang "being your own boss" para naman sa self-employed. Ang disiplina para kumita ng employed ay galing sa corporation; at ang disiplina na kailangan para kumita ng self-employed ay galing sa sarili.

Umunawa, Magpasya, Magplano, at Kumilos

Ihanda ang inyong WFH setup for any form of disruption. Maari pa ring magkaroon muli ng pandemic. Ayon sa EN.Wikipedia.org, last year, , merong total na 4,173,631 cases ng COVID-19 at 66,864 Covid-19 deaths sa Pilipinas. Kahit natapos na ang COVID-19 pandemic sa mundo, at mahina na ang infection rate sa bansa, nag-iwan ng mahalagang aral at karanasan ang COVID-19 sa bawat Pilipino.

Malaking advantage ang WFH. Ayon kay Mr. Bill Gates ng Microsoft, maaring magkaroon muli ng isa pang pandemic dahil sa climate change at overpopulation.

At binanggit rin niya na maari magkaroon ng:

  • "climate disasters"
  • devastating cyberattacks
  • "a major war"

Sinasabi ng maraming professional online na kailangan sa panahon ngayon ng maraming "income streams" - maraming pagkakakitaan sa pangangailangan sa buhay. Dito ninyo matutugunan ang mga pangangailangan kung sapat na ang isang full-time work na may sideline na WFH business, or maraming part-time job na WFH at isang maliit na negosyo. Kung nakasanayan na ninyo ito, madali maka-respond sa anumang disruption dahil kasama na ninyo ang inyong pamilya (at alagang hayop).

Di naman kailangang mabahala ang bawat Pilipino, dahil nandito rin lagi ang mga ahensya ng gobyerno na handang tumulong sa bawat pamilya. Sundin lang ang kanilang mga panuntunan sa pag-evacuate o paglikas.

Gen AI image of rider making a delivery to a family

A customer-family who appreciates quality, durability
in products, and reliability in delivery service

Tips para maging effective at productive ang inyong WFH sa panahon ngayon
  • 1. Mag-focus ng husto sa trabaho. Malaking katipiran sa time, sa commute, at pagbili ng pagkain ang WFH workspace
  • 2. Balansehin ng husto ang laki ng trabaho sa healthy lifestyle. Bigyan ng oras at disiplina rin ang outdoor exercise.
  • 3. Set up an ergonomic and efficient WFH workspace at mag-search ng ideas from AI searches para mas organized ang resulta ng trabaho. Work with less time and hassle.
    • Employ the time & task management method of Ivy Lee by categorizing the six daily tasks into "actionable" (can be done now) and "workable" (needs more planning).
    • This simplifies the traditional Eisenhower Matrix (urgent/important) into two categories for quicker decision-making.
    • For example, instead of four quadrants in the Eisenhower Matrix, WFH professionals can focus on immediately actionable tasks.
    • After all that has been done, then planning workable strategies are next.
    • This improves focus and time management. It is a streamlined approach promoting well-being and stress-free productivity, making your tasks and workflow simple and practical.
  • 4. Keep connected sa mga ka-trabaho during work hours.
  • 5. Be disciplined in all aspects, especially in managing your health and energy, and consider using AI tools also for wellness tracking as a proactive approach and strategy.
  • 6. Take advantage of WFH opportunities to plan proactively and search AI to create contingency plans for a time of disruption.
  • 7. Mag-open ng LinkedIn.com account para dumami ang oportunidad sa tama at mabuting koneksyon sa trabaho.
  • 8. Kung kailangan pa ng isang part time job o bagong trabaho, nandoon rin ang mga de-kalidad na trabaho at kumpanya sa LinkedIn.com.
  • 9. Huwag makalimot na mag-like, mag-comment, mag-post or mag-repost rin sa LinkedIn. Bawat engagement (like, comment, post or repost) sa loob ng social network ay malaking pakinabang rin sa ikauunlad ng lahat sa LinkedIn.
Article on the positive results of WFH

There are statistics that prove the effectiveness of WFH in the Philippines, and AI can be used now for improved productivity and efficiency. Filipino remote workers can create even more positive results in their work and lives.

Meron sinulat si Ms. Vilma Estrallado sa kanyang article:

"More than half of Filipino workers (52%) have been working from home for years now, based on a study joined by JobStreet. It spiked to 85% during the COVID-19 pandemic as part of their flexible work arrangements." - Learn more on working from home article by JobStreet

Improve and add more skills each day

There is a need to continue researching information related to your work and to proactively seek skills needed in a world increasingly powered by AI. And there is a need to discover new and cost-effective AI tools to optimize your performance and growth. Sa madaling salita, ito yung tinatawag nilang "lifelong learning". Panoorin itong maikling YouTube video tungkol sa lifelong learning ayon kay Mr. Warren Buffett at Mr. Charlie Munger. Itinataguyod nila ang kahalagahan ng lifelong learning.

Ang isa pang mahalagang report tungkol sa statistics ng WFH sa konteksto ng buong mundo ay yung report ng Asian Development Bank Institute (ADBI), . Sa isang YouTube video na 59:28 minutes, tinatalakay ni Mr. Nicholas Bloom, isang Professor of Economics ng Stanford University ang future ng WFH. Binibigyan niya ng mga datos at analysis ang WFH:

Start building your proactive WFH approach today; alamin ang mga paraan upang kumita sa pag-WFH na hanapbuhay through digital platforms.

Disclaimer: Ang mga payo na nalaman ninyo sa blog post na ito ay mga suggestion lamang. Kailangan rin ng masusing pananaliksik ng iba pang information para malaman pareho ang advantages at disadvantages, bago magpasya na lisanin ang current job, at mag-WFH setup sa hanapbuhay. Importante ring kausapin ang bawat miyembro ng pamilya, at alamin ang mga opinyon ng mga trusted at highly specialized na professionals.