Published on at 7:45 AM PHT
by
Dennis Cabrera
AI Employment Trends, Job Seekers, MSMEs: Mga Dapat Gawin
Importante ngayon na mayroong trabaho o negosyo ang bawat miyembro ng pamilya sa Pilipinas. Mahalaga ang financial stability sa pamilya para makaya ang anumang pagtaas ng presyo sa merkado, at mabili, o mabayaran ang mga kailangan na bilhin o bayaran.
Sa nakalipas na buwan, sa isang Health Clinic sa Kapitolyo, Pasig City, dumagsa bigla ang mga nagpapacheck-up. Hindi ito dahil marami ang may sakit kundi maraming nag-a-apply ng trabaho. Kailangan nilang magpa-checkup at makakuha ng strong at healthy profile para matanggap sa trabaho. Ano pa ang mga dapat alamin para magkatrabaho?
AI in the Philippines Job Market: Ang Papel ng AI sa Pag-navigate ng Job Opportunities
- A. Ang Job Market ngayon para sa job seekers
- Ang employment rate noong November 2024 ay estimated sa 96.8% (mas mataas kung ikukumpara noong November 2023 na nasa 96.4%) at ang unemployment rate naman noong November 2024 ay estimated sa 3.2%. Ito ay lower sa unemployment rate in November 2023 na nasa 3.6% percent at lower rin sa October 2024 na nasa 3.9% percent [2].
- Malaki ngayon ang epekto sa job market ng AI-driven talent acquisition technologies. Dahil sa AI, madali at mabilis ang pag-process ng applicants at pag-hire ng mga empleyadong may kalidad ang kakayahan.
- Ginagamit ng mga malalaking korporasyon ang mga data nila sa previous hiring processes para alamin kung sino sa mga aplikante ang maaring magtagumpay sa bawat position na kanilang kailangan para tumakbo ng husay ang kanilang kumpanya.
- Kaya ang mahalaga na gawin ng bawat job seekers ay ayusin at husayin ng husto ang paggawa online ng Résumé or Curriculum vitae. Kailangan rin mag-ensayo para sa maayos na pagsasalita sa mga interviews. At ayusin rin for uploading online ang mga required documents - mga primary government IDs for identity verification purposes. Kailangan po na malinaw ang pag-photo mula sa camera app ninyo.
- B. Paano Binabago ng AI Integration ang Job Hunting sa Pilipinas
- Dahil sa AI integration at adoption ng mga job sites, madaling makahanap ang job seekers ng mga kalidad na trabaho online. Sa online search ng mga job sites makikita ang mga trabaho na pwedeng pasukan ng job seeker.
- Para mas maraming oportunidad ang job seeker na matanggap sa anumang posisyon sa kumpanya, mahalaga na naka-invest ngayon sa mahusay na workspace setup : matitibay na laptop at mobile phone, ilang accessories - mga wireless devices (ear buds, mouse), webcam at microphone. At importante sa lahat po, makahanap ng mabilis at reliable na internet connection.
- C. Ito ang mga AI-powered sites at tools na pwedeng gamitin sa job seeking.
- Mag-register sa LinkedIn.com, mag-connect sa mga kakilala (sa school o mga dating katrabaho), at i-select ang mga job openings na ayon sa inyong LinkedIn work profile at experience.
- Para mas makilala kayo ng mga hiring personnel ng mga kumpanyang mayroong job listing, makisama kayo sa mga nag-ne-networking sa loob ng LinkedIn. Ayusin rin ang inyong LinkedIn.com profile according to school graduated at job history. Nagtutulungan lahat doon sa pamamagitan ng pag-share ng mga useful at helpful posts para ma-hire sa anumang kailangang trabaho.

Adaptable freelance content creators seeking additional income streams from part-time jobs
MSMEs in the Philippines: Adapting to AI-Driven Business Landscapes
Para sa additional income ang pamilya pwede rin mag-negosyo. Karamihan ng mga maliit na negosyo sa Pilipinas ay ang MSMEs o Micro Small Medium-sized Enterprises.
Mahalaga rin ang MSME sa Pilipinas. Mayroong statistics na na-publish ang Department of Trade and Industry sa kanilang website noong taong 2022. Ayon sa year 2022 statistics, 99.59% are registered as MSMEs at 0.41% ang registered as large enterprises. Itong percentage na ito ang basehan na mahalaga rin ang MSMEs sa ekonomiya ng Pilipinas [3][4].
- The Future of MSMEs: Embracing AI for Growth in the Philippines
- Kung may plano kayong magtayo ng MSME, kailangan matuto rin sa makabagong teknolohiya ng AI. Nasa AI industry ang pagpapaunlad ng negosyo. Mas madali kumita ang negosyo kapag mayroong AI. Maraming apps ang available para i-convert ang mga paper documents or images into digital formats. Kaya rin nitong makatulong sa pagsulat ng mga formal business communications.
- Mayroong rin mga time-saving functions ang browser ng laptop para ang workflow ng inyong business ay maging efficient at madaling makumpleto. Ang isang paraan ay pag-organize ng Tabs groups function ng Google Chrome. Ang isa pang method sa pag-organize ng tasks ay 'yung 5-S concept of systematic arrangement na popular sa mga Japanese businesses, gaya ng (Seiton). Sa Seiton, madali ang pag-retrieve ng data, websites, doc files, at iba pang kailangan na information.
- Maraming benefit ang AI sa growth ng MSME
- Ang anumang planong MSME ay pwedeng isang physical store na mayroong sa e-commerce platform para ipagbenta ang products or services online. (Halimbawa, ang Enstack.com ang isang Pilipinong e-commerce platform para sa mga sellers. Maraming oportunidad ang nabibigay ng Enstack dahil wala silang mga matataas na fees gaya ng Shopee, Lazada o Shopify.)
- Kapag meron na rin online store ang MSME, makaka-access sila ng mas maraming markets online through social media marketing platforms gaya ng Facebook.
- Ang anumang MSME na itataguyod po ninyo ay nagiging agile at resilient dahil pwedeng gamitin ang data for forecasting future trends sa inyong industriya na napili. Sa data analysis makikita at makaiisip ng proactive solutions para makaya ang negosyo sa long-term.
- Ang paggamit ng AI sa customer relationship management o CRM ay malaking tulong rin sa anumang negosyo. Lalong gaganahan ang mga customer ng inyong negosyo kung malakas maka-enhance ng customer satifaction ang anumang AI-generated content na video, audio, or image.

Strategic Professionals developing their AI skills with mobile phones and laptop
Ang Paghahanap-buhay Ngayon
Ang importante sa paghahanap-buhay ngayon ay mayroong positive mindset at growth mindset.
Kapag bukas ang isip at handang matuto at gumawa ng hakbang sa anumang pagbabago, madaling kumita at umunlad sa hanapbuhay.
Kaya ilagay ang mindset sa tama, sumunod sa patakaran ng gobyerno at pribadong sektor, at magiging matagumpay ang buhay at career ninyo sa Taong 2025.

Job Seeker Leveraging AI for Job Applications
This Blog Post has #3 Gen AI images (check sources of Gen AI images)