AI-Powered WFH Productivity: A Proactive Guide for Filipinos

Gen AI image of WFH father on laptop with his son in the background

Adaptable WFH Professional seeking work-life balance
[page has #3 Gen AI images]

Paano Maging Magaling, Mahusay, at Kumita sa Pag-WFH Ngayon

Introduction

Sa professional at job hunting landscape ng Pilipinas ngayon, kailangang matuto tayong mga Filipino professionals at MSMEs na makalikha ng isang WFH setup para handang magtrabaho sa larangan ng AI. At sa WFH setup na ito, magiging efficient ang flow ng trabaho basta't mayroong focus. Mayroong kaming isang proactive guide para sa pagbuo at pagkumpleto ng WFH setup na handang maka-adjust sa anumang changes sa work environment kagaya ng AI at anumang disruption sa environment.

Guide for a proactive Work-from-home arrangement
  • Mag-adjust sa pagbabago ng klima
  • Paghahanda sa posibilidad ng isa pang pandemic
  • Paano magtrabaho kung mayroong pollution at global warming
  • Paano magkatrabaho kung ang job market ay highly competitive dahil sa pagdami ng population sa Pilipinas at mundo
  • Mag-adjust sa mga bagong sistema sa trabaho at buhay dahil sa AI

Awareness po sa pang-araw-araw na pangyayari at balita ang mahalaga para maka-adjust sa pagbabago ng klima, pagkakaroon ng isa pang pandemic, patuloy na pagtaas ng temperatura sa mundo, makaplano kung kailangan ng isa pang trabaho, at paggawa ng sistema sa trabaho o buhay na gamit na ang AI. Ang mga malaking tulong dito ay mga news at information na real-time - yung mga "breaking news" na hatid agad sa inyong information gathering system. Ang suggested na mga apps at services para dito ay X (Twitter) at Google Alerts.

Gen AI image of WFH female MSME owner with employee in the background

A Productivity-Focused MSME Owner looking to scale her business operations

Dahil sa uncertainty at instability ng job security o MSME dulot ng disruptive technologies ng AI sa halos lahat ng bagay sa trabaho o buhay, kailangang merong proactive strategy para sa anumang pagbabago. Narito ang konsepto ng trabaho na dapat malaman para maka-adjust.

Onsite o WFH?: Iba't-ibang terminology na ginagamit sa workforce:

  • employed
    • onsite: kailangan pumunta ng empleyado sa office ng kanyang trabaho
    • remote: kahit saang lokasyon pwedeng magtrabaho ang empleyado
    • hybrid: flexible ito, pwedeng combination of onsite or remote
    • work-from-home: nagtatrabaho ang empleyado sa kanyang bahay gamit ang laptop at mobile phone
    • marami pang ibang mas flexible work arrangements ang pwedeng pasukan in terms of time, location, number of working days, at iba't-iba combination ng mga ito na ayon rin sa pangangailangan ng management ng kumpanya
  • self-employed
    • freelancing: mga online jobs na per project or part-time
    • MSME: negosyo na pwedeng WFH, merong physical store, e-commerce store, or combination of both

Ang basic na difference ng employed sa self-employed ay pagkakaroon ng corporate employer para sa employed, at ang "being your own boss" para naman sa self-employed. Ang disiplina sa una ay galing sa employer; ang disiplina sa pangalawa ay galing sa sarili.

Umunawa, Magpasya, Magplano, at Kumilos

Prepare your WFH setup for any form of disruption. Maari pa ring magkaroon muli ng pandemic. Ayon sa EN.Wikipedia.org, as of , merong total na 4,173,631 cases ng Covid-19 at 66,864 Covid-19 deaths sa Pilipinas. Kahit natapos na ang Covid-19 pandemic sa mundo, at mahina na ang infection rate sa bansa, nag-iwan ng mahalagang aral at karanasan ang Covid-19 sa bawat Pilipino.

Malaking advantage ang WFH. Ayon kay Mr. Bill Gates ng Microsoft, maaring magkaroon muli ng isa pang pandemic dahil sa climate change at overpopulation.

At binanggit rin niya na maari magkaroon ng:

  • "climate disasters"
  • devastating cyberattacks
  • "a major war"

Sinasabi ng maraming professional online na kailangan sa panahon ngayon ng maraming "income streams" - maraming pagkukunan sa pangangailangan sa buhay. Dito ninyo matutugunan ang mga pangangailangan ninyo kung ang sapat ay isang full-time work na may sideline na WFH business, or maraming part-time job na WFH at isang maliit na negosyo. Kung nakasanayan na ninyo ito, madali maka-respond sa anumang disruption dahil kasama na ninyo ang inyong pamilya (at alagang hayop). Madali ihanda ang mga mahahalagang kagamitan at importanteng papeles. I-monitor lang daily ang sitwasyon, magpasya at magplano para handa sa anumang disruption, at kumilos kung kailangan ng kumilos.

Di naman kailangang mabahala ang bawat Pilipino, dahil nandito rin lagi ang mga ahensya ng gobyerno na handang tumulong sa bawat pamilya. Sundin lang ang kanilang mga panuntunan sa pag-evacuate o paglikas.

Maraming tips online on how to create contingency plans, maintain up-to-date technology, and ensure that your MSME business operations are resilient. Mag-search lang kayo ayon sa inyong location o situation. Anything WFH, part-time job, o negosyo, ay malaking pakinabang para ang pamilya ay madaling maka-mobilize in case of disruption.

Gen AI image of rider making a delivery to a family

A customer-family who appreciates
quality, durability and reliable delivery

Tips para maging effective at productive ang inyong WFH sa panahon ngayon
  • 1. Mag-focus ng husto sa trabaho. Malaking katipiran sa time, sa commute, at pagbili ng pagkain ang WFH workspace
  • 2. Balansehin ng husto ang laki ng trabaho sa healthy lifestyle. Bigyan ng time at disiplina rin ang outdoor exercise.
  • 3. Set up an ergonomic and efficient WFH workspace at mag-search ng ideas from AI searches para mas organized ang resulta ng trabaho. Work with less time and hassle.
    • Employ the time & task management method of Ivy Lee by categorizing the six daily tasks into "actionable" (can be done now) and "workable" (needs more planning).
    • This simplifies the traditional Eisenhower Matrix (urgent/important) into two categories for quicker decision-making.
    • For example, instead of four quadrants in the Eisenhower Matrix, WFH professionals can focus on immediately actionable tasks.
    • After all that has been done, then planning workable strategies are next.
    • This improves focus and time management. It is a streamlined approach promoting well-being and stress-free productivity, making your tasks and workflow simple and practical.
  • 4. Keep connected sa mga ka-trabaho during work hours.
  • 5. Be disciplined in all aspects, especially in managing your time, health, and energy, and consider using AI tools also for wellness tracking as a proactive approach and strategy.
  • 6. Take advantage of WFH opportunities to plan proactively and search AI to create contingency plans for a time of disruption.
  • 7. Mag-open ng LinkedIn.com account para dumami ang oportunidad sa tama at mabuting koneksyon sa trabaho.
  • 8. Kung kailangan pa ng isang part time job o bagong trabaho, nandoon rin ang mga de-kalidad na trabaho at kumpanya sa LinkedIn.com.
  • 9. Huwag makalimot na mag-like, mag-comment, mag-post or mag-repost rin sa LinkedIn. Bawat engagement (like, comment, post or repost) sa loob ng social network ay malaking pakinabang rin sa ikauunlad ng lahat sa LinkedIn.
Article on the positive results of WFH

There are statistics that prove the effectiveness of WFH in the Philippines, and AI can be used now for improved productivity and efficiency. Filipino remote workers can create even more positive results in their work and lives.

Meron sinulat si Ms. Vilma Estrallado sa kanyang article:

"More than half of Filipino workers (52%) have been working from home for years now, based on a study joined by JobStreet. It spiked to 85% during the COVID-19 pandemic as part of their flexible work arrangements." - Learn more

Final tip: Improve and add more skills each day

There is a need to continue researching information related to your work and to proactively seek skills needed in a world increasingly powered by AI. And there is a need to discover new and cost-effective AI tools to optimize your performance and growth. Sa madaling salita, ito yung tinatawag nilang "lifelong learning". Panoorin itong maikling YouTube video tungkol sa lifelong learning ayon kay Mr. Warren Buffett at Mr. Charlie Munger. Itinataguyod nila ang kahalagahan ng lifelong learning.

Ang isa pang mahalagang report tungkol sa statistics ng WFH sa konteksto ng buong mundo ay yung report ng ADBI (Asian Development Bank Institute), June 20, 2024. Sa isang YouTube video na 59:28 minutes, tinatalakay ni Mr. Nicholas Bloom, isang Professor of Economics ng Stanford University ang future ng WFH. Binibigyan niya ng mga datos at analysis ang WFH:

Start building your proactive WFH approach today; use money-saving and durable products.

Filipino Job Seekers, MSMEs, at AI Skills na Kailangan

Gen AI image of job seeker applying for jobs online with his laptop

Job Seeker Leveraging AI for Job Applications
Post has #3 Gen AI images

AI Employment Trends, Job Seekers, MSMEs: Mga Dapat Gawin

Author's note: Statistics last updated: ; Statistics latest update: (from PSA.gov.ph)

Importante po ngayon ang mayroong trabaho o negosyo ang bawat miyembro ng pamilya sa Pilipinas na nakatapos na sa pag-aaral. Mahalaga kasi ang financial stability ng pamilya, para makaya ang anumang pagtaas ng presyo sa merkado, at mabili o mabayaran ang mga kailangan na bilhin o bayaran.

Sa nakalipas na buwan, sa isang Health Clinic sa Kapitolyo, Pasig City, dumagsa bigla ang mga nagpapacheck-up. Hindi ito dahil na marami ang may sakit kundi maraming nag-a-apply ng trabaho. Kailangan nilang magpa-checkup at makakuha ng strong and healthy profile para matanggap sa trabaho - local o foreign. Kung ganito ang sitwasyon, ano ang mga dapat alamin para magkatrabaho?

AI in the Philippines Job Market: Ang Papel ng AI sa Pag-navigate ng Job Opportunities
  • A. Ang Job Market ngayon para sa job seekers
    1. Ang employment rate noong November 2024 ay estimated sa 96.8% (mas mataas kung ikukumpara noong November 2023 na nasa 96.4%) at ang unemployment rate naman noong November 2024 ay estimated sa 3.2%. Ito ay lower sa unemployment rate in November 2023 na nasa 3.6% percent at lower rin sa October 2024 na nasa 3.9% percent.
    2. Malaki ngayon ang epekto sa job market ng AI-driven talent acquisition technologies. Dahil sa AI, madali at mabilis ang pag-process ng applicants at pag-hire ng mga empleyadong may kalidad ang kakayahan.
    3. Ginagamit ng mga malalaking korporasyon ang mga data nila sa previous hiring processes para alamin kung sino sa mga aplikante ang maaring magtagumpay sa bawat position na kanilang kailangan para tumakbo ng husay ang kanilang kumpanya.
    4. Kaya ang mahalagang po na gawin ng bawat job seekers ay ayusin at husayin ng husto ang paggawa online ng Resumé or Curriculum vitae. Kailangan rin mag-ensayo para sa maayos na pagsasalita sa mga interviews. At ayusin rin for uploading online ang mga required documents - mga primary government IDs for identity verification purposes. Kailangan po na malinaw ang pag-photo mula sa smartphone camera ninyo.
  • B. Paano Binabago ng AI Integration ang Job Hunting sa Pilipinas
    1. Dahil sa AI integration at adoption ng mga job sites, madaling makahanap ang job seekers ng mga kalidad na trabaho online. Sa online search ng mga job sites makikita ang mga trabaho na pwedeng pasukan ng job seeker.
    2. Para mas maraming oportunidad ang job seeker na matanggap sa anumang posisyon sa kumpanya, mahalaga na naka-invest ngayon sa mahusay na workspace setup : matitibay na laptop at mobile phone, ilang accessories - mga wireless devices (ear buds, mouse), webcam at microphone. At importante sa lahat po, makahanap ng mabilis at reliable na internet connection.
    3. Ito ang mga AI-powered sites at tools na pwedeng gamitin sa job seeking.
      • Mag-register sa LinkedIn.com at i-select ang mga job openings na ayon sa inyong LinkedIn work profile at experience.
      • Para mas makilala ng mga hiring personnel ng mga kumpanyang mayroong job listing, makisama po kayo sa mga nag-ne-networking sa loob ng LinkedIn. Nagtutulungan lahat doon sa pamamagitan ng pag-share ng mga useful at helpful posts para ma-hire sa anumang kailangang trabaho.
    4. Bagaman ang mga AI tools, gaya ng ChatGPT ay di pa in "perfect" mode at nasa developing stage pa lang, maaari na pong gamitin. Meron na itong mataas na accuracy para tulungan kayo sa inyong job hunt.
Gen AI image of two professionals working online with their laptops

Adaptable freelance content creators seeking additional income from part-time jobs

MSMEs in the Philippines: Adapting to AI-Driven Business Landscapes

Para sa additional income, at kung kaya naman, pwede rin pong mag-negosyo. 'Yung iba, sumusubok na rin sa kakayahan nilang pakitain ang maliit na negosyo. Karamihan ng mga maliit na negosyo sa Pilipinas ay ang MSMEs o Micro Small Medium-sized Enterprises.

Mahalaga rin ang MSME sa Pilipinas. Mayroong statistics na na-publish ang Department of Trade and Industry sa kanilang website noong taong 2022. Ayon sa year 2022 statistics, 99.59% are registered as MSMEs at 0.41% ang registered as large enterprises. Itong percentage na ito ang basehan na mahalaga rin ang MSMEs sa ekonomiya ng Pilipinas.

  • The Future of MSMEs: Embracing AI for Growth in the Philippines
    1. Kung may plano kayong magtayo ng MSME, kailangan matuto ngayon sa makabagong teknolohiya ng AI. Nasa AI industry ang pagpapakita at pagpapaunlad ng negosyo. Mas madali ang negosyo kapag mayroong AI. Maraming apps para i-convert ang mga paper documents into digital formats. Kaya rin nitong makatulong sa pagsulat ng mga formal business communications. Mayroong mga AI apps gaya ng Grammarly online na automatic na mag-suggest ng tamang English words sa inyong business communications.
      • Mayroong rin mga time-saving methods para ang workflow ng inyong business ay maging efficient at madaling makumpleto. Ang isang paraan ay pag-organize ng inyong browser. Kung Chrome ang gamit, pwedeng gamitin ang Tabs groups function ng Chrome ('yung mayroong four small squares sa upper left corner ng browser). I-left-click ang icon at i-click Create new tab group. Sa new tab groups, kayang i-categorize ang inyong negosyo, e.g. AI Skills Courses, MSME Tools, Drive, Messaging, Social Media, etc. Ang isa pang method sa pag-organize ng tasks ay 'yung 5-S concept of systematic arrangement na popular sa mga Japanese businesses, gaya ng (Seiton). Sa Seiton, madali ang pag-retrieve ng data, websites, doc files, at iba pang kailangan na information.
    2. Isa pa pong cost-efficient at profitable strategy ng anumang planong negosyo ay ang pag-a-adopt ng mga AI-automated systems. Maraming platform at apps ngayon ang merong automated systems para sa worksheets, accounting, sa pag-email o copywrite, sa presentations, project management, at mga creative content production. Isang example ng automated AI apps ay ang Workspace account na ina-advertise ng Google. Sa basic Workspace account, nandoon na ang mga pwede ninyong ma-automate para sa inyong negosyo.
    3. Maraming benefit ang AI sa growth ng MSME
      • Ang anumang planong MSME ay pwedeng isang physical store na na-link sa e-commerce platform para ipagbenta ang mga products or services online. (Halimbawa, ang Enstack.com ang isang Pilipinong e-commerce platform para sa mga sellers. Maraming oportunidad ang nabibigay ng Enstack dahil wala silang mga matataas na fees gaya ng Shopee, Lazada o Shopify.)
      • Kapag meron na rin online store ang MSME, makaka-access sila ng mas maraming markets online through social media marketing platforms gaya ng Facebook.
      • Ang Facebook ay mayroong naibibigay na statistics para ang mga desisyon ng negosyo ay based sa data na pwedeng i-analyze for better sales, profits at business growth.
      • Ang anumang MSME na itataguyod po ninyo ay nagiging agile at resilient dahil pwedeng gamitin ang data for forecasting future trends sa inyong industriya na napili. Sa data analysis makikita at makaiisip ng proactive solutions para makaya ang negosyo para sa long-term (halimbawa ay ang pagdagdag ng ilan pang produkto).
      • Ang paggamit ng AI sa customer relationship management o CRM ay malaking tulong rin sa anumang negosyo. Lalong gaganahan ang mga customer ng inyong negosyo kung malakas maka-enhance ng customer satifaction ang anumang AI-generated content na video, audio, or image. Makatutulong ito sa customer na maka-decide ng produkto na madaling i-order, bayaran at ipadeliver sa kanilang doorstep o office.
GEN AI image of two professionals working on both their smartphones and laptops

Strategic Professionals developing their AI skills with mobile phones and laptop

Ang Paghahanap-buhay Ngayon

Ang importante sa paghahanap-buhay ngayon ay mayroong positive mindset at growth mindset.

Kapag bukas ang isip at handang matuto at gumawa ng hakbang sa anumang pagbabago, madaling kumita at umunlad sa hanapbuhay.

Kaya ilagay ang mindset sa tama, maging masigasig at magiging matagumpay ang buhay at career ninyo sa Taong 2025.

Patuloy na maging mapagmatyag rin ngayon. Bukod sa generative AI, nauuso na yung tinatawag nilang AI agents or agentic AI systems. Kung kaya ng ibang tao, kaya rin ng Pilipino!

Bookmark our Blog para laging updated sa dapat malaman sa hanapbuhay!

From 1985 to AI: Winning Your Dream Job with Discipline

GEN AI image of a young man job hunting online with his laptop Win Your AI Job: Values, Skills, ...