How To Be Productive in Your AI-Powered Remote Work or MSME

GEN AI image of male and female WFH MSME owners working to make their operations productive and time-saving

WFH MSME Owners looking for cost-effective solutions
and improvement of time management skills
Gen AI image

Paano Maging Produktibo sa Inyong Part-Time Job o Negosyo

Introduction

Maraming madaling ma-access na mobile at laptop accessories ngayon. The post-pandemic, AI-producing world, is offering new accessories and advanced online resources to help make work easier, faster, and more productive .

Meron mga importanteng:

  • ergonomically-designed digital tools (mouse and keyboards) that bring greater comfort and reduces strain,
  • AI-powered apps & online services (such as NotebookLM & Monday.com),
  • at indispensable, standard office items (like pens and markers)

Affordable at madaling mabili ang mga ito dahil sa ilang reliable at safe na payment system (kagaya ng GCash at Maya ) at e-commerce platforms (tulad ng Enstack.com).

Ergonomically-designed digital tools

Hindi lahat ng mobile at laptop accessories ang akma sa lahat ng tasks ng mga remote workers or MSME managers. Some accessories are better suited for certain or more specific tasks than others.

Bago bumili ng akmang mobile or laptop accessories, alamin muna kung ano ang naging karanasan sa trabaho:

  • Ano ang nakabagal sa daloy ng task?
  • At ano ang na-diskubre ninyong kailangan para mas mabilis makumpleto ang task?
  • Nag-search na kayo sa Google? Generative AI is now integrated into Google Search, so you can easily find solutions.
  • Nakakasagabal ba ang mga wired devices sa inyong tasks?
  • Nasubukan na ba ninyo mag-wireless sa mouse o keyboard?
  • Marami ba kayong kailangang i-edit na images at videos?
    • Kapag maraming details ang task, baka ergonomic wireless devices na ang kailangan, kagaya ng ergonomically-designed mouse at keyboard.
    • Mas kumportable ang anumang ergonomic, kasi designed ito para di sumakit ang mga kamay, batok o likod sa mga detalyado at maraming oras na computer work.
    • Kung part-time naman ang job di kailangan ng maraming work hours, baka basic wireless mouse o keyboard lang.
    • Di na kailangan ng ergonomically-designed. Mas makakatipid sa mga basic wireless devices. Makukumpleto rin ang mga tasks sa simpleng wireless lang.
    • Tandaan na ang ergonomic wireless devices are originally meant for specialized tasks like detailed editing or writing, and basic wireless devices are meant for general and heavy typing tasks like typing and encoding.

Malalaman rin ang mga kailangang accessories sa actual na takbo ng WFH job o negosyo.

Importante ang paghahanapbuhay sa trabaho ngayon.
Importante rin ang paghahanapbuhay sa anumang negosyo ngayon.

Maging mapanuri rin kung anong mobile o laptop accessories ang nakakatulong sa mas produktibong trabaho. At saliksikin rin ang accessories na akma sa ilang mahalagang tasks para makumpleto ang trabaho sa takdang oras o due date. Mahalaga ang accessories kung per hour ang payment sa inyong AI-powered job.

An Organized Work Space

Bukod sa pagkakaroon ng tamang mobile at laptop accessories, you can also organize them and arrange all the tools for more efficient workflow and completion of tasks. Sa madaling salita, lahat ng kailangang gamit, ilalagay sa mga lugar na abot-kamay.

Kapag ganito ang arrangement, makaka-save kayo ng maraming oras at di mapapagod sa paghahanap kung saan nakalagay ang ilang bagay na kailangan sa task.

Importanteng maka-focus ng husto sa task na kailangan tapusin within a given time limit or deadline.

Ang isang sistema ng pag-organize ang 'yung ginagamit ng mga managers at employees ng Japanese corporations na very successful. Ito 'yung 5-S Method:

  • Seiri (Sort out),
    • Sa Seiri, aalisin lahat ang mga accessories na di na ginagamit. Ilagay naman ang mga accessories na malimit gamitin sa lugar na abot-kamay. Kapag mas malapit, madaling makuha kung kailangan
  • Seiton (Arrange systematically),
    • Sa Seiton, dito mag-classify: magkakasama ang mga tools sa isang lugar, ang office supplies sa malapit rin na lugar, at gayundin ang paper files or folders, para effective ang retrieval
  • Seiso (Make it spic and span),
    • Sa Seiso, linis lang ito. Lilinisin lang ang mga mobile at laptop screens, at ang lahat ng areas ng workspace environment
  • Seiketsu (Standardize),
    • Sa Seiketsu, lalagyan lamang ng sistema ang mga tasks para organized at di magulo. Sulatan with a black marker or lagyan ng labels ang dapat mayroong label para madali ang retrieval.
  • Shitsuke (Apply self-discipline).
    • Sa Shitsuke, kailangan lang i-apply ang disiplina sa inyong trabaho: sa pag-sort, sa pag-arrange systematically, sa paglinis, at sa paglagay ng mga standard na sistema upang productive ang output ng mga tasks.

This 5-S system eliminates waste of time and energy. Makakatulong ng malaki ito sa work productivity. It also saves you the money needed for the long term. Importante rin ang sapat na working fund kung negosyo ang inaasikaso. Mahalaga rin ang bawat oras na ginugugol sa anumang trabaho o negosyo.

Time management technique: Ang Ivy Lee Methodology

Ang Ivy Lee Time Management Technique ay isang epektibong paraan ng time management para sa mas produktibong trabaho.

In the Ivy Lee Method, just list down 6 important tasks you need to complete.

During the day, focus well on each task, complete every one of these tasks until all six tasks have been finished.

Kung sakaling di kayo natapos sa isa o dalawang importanteng tasks, pwede ninyong ilipat sa sunod na working day para kumpletuhin.

Huwag magdagdag ng ibang task hanggang di natapos ang lahat ng original six tasks.

Maging disiplinado lang sa pagkumpleto lagi ng 6 na tasks at tiyak na ang production ninyo ay magiging kalidad at marami. Malaki rin ang work output. Mas magtatagumpay kayo sa inyong career o negosyo.

Once nakakumpleto ng 6 na importanteng tasks, huwag makalimot na mag-celebrate ng "win": big or small .

Maximize Your Productivity with Essential Office Items

Like mobile and laptop accessories, office items are also an indispensable part ng WFH Remote Job or MSME. Dapat rin isama ang mga ito sa 5-S system ng inyong workspace. Merong advantage ang mga office items na abot-kamay mula sa laptop sa takbo ng inyong workflow. Mas time-saving at efficient.

These office items can contribute well to your AI-powered work. Having the right physical items can significantly boost your productivity and well-being. Naiintindihan namin ang importansya ng maayos na workspace, and we offer cost-effective ideas and solutions for your office needs.

Importante rin ang di aksayado sa office supplies. Eliminating wastage can make supplies last longer. This direction can make all tasks in remote jobs or business cost-efficient and profitable.

Recap of Main points for Productivity
  1. Use the right mobile and laptop accessories for any part-time WFH job or home-based MSME.
  2. Organize your workspace well with quality digital accessories. Learn the 5-S Method.
  3. Manage your time well and complete all important tasks using the Ivy Lee Method.
  4. Avoid wasteful use of office supplies. Learn to be frugal. Cost-efficiency brings in more profits.
Learning On-the-Job is Profitable

Learning and creating a better work environment is an inclusive principle that can benefit not only ourselves, our country, but the rest of the world - especially those countries where most remote jobs are connected.

What actions will you take to apply what you learned in this blog post to your own work and life?

Paano Gamitin ang AI sa Ikauunlad ng WFH Job o Negosyo

Gen AI comic image of young male data analyst interpreting analysis of traffic data

A data analyst needing efficient tools for data-driven decisions
#2 Gen AI images in this blog post

How to Leverage AI to Advance Career or Business Goals

Artificial Intelligence Para sa Hanapbuhay
  1. Paglikha ng Gen AI text, images, video o audio (Creative tasks)
  2. Para sa mas specialized na pag-analyze ng text or data (Analytical tasks)
  3. AI para makagawa ng mahusay na résumé o curriculum vitae (Job seeking tasks)
  4. Para sa mas mabisang business service or project management (Time & task management)

1 Creative tasks:

Mabilis ang pag-unlad ng technology ngayon. AI ang nasa forefront, at malakas ang impluwensiya nito sa maraming aspeto ng hanapbuhay. Ang Gen AI, o generative AI, ang madalas gamitin ng mga sumasabak sa content creation: paglikha ng text, images, videos o audio presentations. Madali na makalikha ng anumang creative task. Maraming Gen AI apps ang nasa search results pages ngayon. Karamihan ay free, pero meron mga paid packages na mas marami at magaling na functions sa paglikha. Example ng mga Gen AI apps:

  • Adobe Express
  • YouCut Video Editor
  • Google Gemini
  • Microsoft Copilot

2 Analytical tasks:

Kung ang trabaho ninyo ay analyst, mayroong Gen AI tools na specific ang focus. Naka-focus ang mga ito sa mga files, URLs ng website o videos na i-upload at gawin sources for analysis. I-apply lang yung tinatawag nilang prompt engineering para ma-obtain ang specific outcome na galing sa analysis ng mga inputs. Ang prompt engineering ay pwedeng pag-aralan. Madali lang ito. Example ng mga Gen AI apps na pwedeng gamitan ng prompt engineering at analysis.

  • NotebookLM
  • TextCortex.com

3 Job-seeking tasks:

Ang mahalaga sa anumang job-seeking task ngayon ay ang paggawa ng isang mahusay na résumé or curriculum vitae. Ang résumé ay mas maiksi. Isang one-page summary ng inyong professional experience at skills para sa isang trabahong pinili sa pag-apply. Ang curriculum vitae naman ay mas detalyado at comprehensive. Nandito nakalahad ang inyong buong academic and professional history. Madalas itong kailangan for academic or research positions. Maraming online website ang makakatulong sa pag-format ng inyong résumé or curriculum vitae. Ilang example ay ang mga sumusunod:

  • Google Docs
  • Livecareer.co.uk
  • LinkedIn

Kung meron kayong LinkedIn account at nakagawa ka ng work profile doon, merong capacity ang LinkedIn na i-convert ang profile sa isang résumé in .pdf format. Sa Livecareer.co.uk naman, ito ang gagamitin kung talagang highly professional na position ang inyong tinutumbok na trabaho. Ang Google Docs at LinkedIn ay free service para sa lahat. Ang Livecareer naman ay paid service pero affordable sa anumang job position na tina-target ninyo.

4 Time and task management:

Para sa working professional or small business owners, mahalaga ang oras na gagamitin sa trabaho o pagpapatakbo ng negosyo. Kaya para mas efficient at di sayang ang oras, merong available ngayon na task management system para sa streamlining ng tasks o project ng negosyo. One example ng time and task management app ay ang Monday.com Malakas ang advertisement nila noon sa YouTube.com. Meron silang free trial period bago ka mag-decide kung anong type ng subscription ang pipiliin ninyo. User-friendly at attractive ang interface ng kanilang project or customer management system.

GEN AI comic image of two managers using tablets to coordinate work with their team

Two team leaders coordinating employees
to integrate AI into their daily routines

Bagong trend ngayon: Polyworking

Ang isang trending ngayon sa workforce online ay yung tinatawag nilang polyworking. Meron pong isang article sa LinkedIn na nagsasabi na ito ang maaring maging trend sa workforce sa buong mundo. Dahil sa experience ng pandemic, maraming nag-WFH. Dahil sa WFH experience at arrangement, maraming natuto sa discipline na kailangan ng polyworking. Ang polyworking ay ang pagtrabaho sa iba't-ibang klase ng trabaho. Pwedeng di connected sa isa't-isa ang trabaho pero kaya ng skillset ninyo.

Ayon sa isang article na sinulat ni William Arruda sa Forbes.com, ito ang statistics ngayon ng polyworking sa mundo:

“Almost half (46%) of workers are polyworking with a side hustle or additional job, and a further 36% plan on starting one in the future,” according to Owl Labs.

Ito ay madaling magawa ng mga Pilipinong nag-WFH. Pwedeng mag-umpisa ng isang small business na home-based, tapos dagdagan lang ng isa o dalawang part-time jobs na remote. Ang kailangan dito ay self-discipline at responsible use ng Gen AI para maging successful ang mga trabaho sa polyworking.

Kabuuan:

Nasa Gen AI ang progress at kita ng mga trabaho at negosyo ngayon. Ito ay maaring i-apply sa lahat ng:

  • Creative jobs
  • Analytical jobs
  • Job-seeking tasks
  • Time and task management projects

Ito ang mga basic tasks na kailangan gawin sa anumang mga career sa polyworking. At madali rin ang polyworking ngayon kung nag-update na kayo ngayon sa AI. Bukod sa increased income at job security na kikitain sa polyworking, mas marami pang oportunidad na matuto ng iba pang skills na mahalaga sa panahon ngayon. Basahin ng mabuti at pag-aaralan ang article ni Mr. William Arruda para malaman kung ito ang tamang direksyon ng inyong paghahanapbuhay ngayon.

From 1985 to AI: Winning Your Dream Job with Discipline

GEN AI image of a young man job hunting online with his laptop Win Your AI Job: Values, Skills, ...